-- Advertisements --
image 1 1

LEGAZPI CITY – Tuloy na tuloy na pagpapatayo ng kauna-unahang government owned oxygen plant ng bansa sa lalawigan ng Sorsogon na inaasahang malaki ang maitutulong sa kampanya laban sa coronavirus disease pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dong Mendoza ang tagapagsalita ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, nagkakahalaga ang naturang proyekto ng nasa P94.5 milyon at inaasahang matatapos sa 2022.

Aminado ang opisyal na malaking problema ngayong may pandemya ang kakulangan at lalong tumataas na presyo ng oxygen tank kung kaya’t napapanahon ang proyektong ito.

Maliban sa sapat na suplay maaari umanong bumaba na lang sa P157 ang presyo ng pagpaparefill ng oxygen tank mula sa kasalukuyang P490.

Tinatayang aabot naman sa 800,000 residente ng Sorsogon ang makikinabang sa trabahong mabubuo sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng oxygen plant.

-- Advertisement --