Nagtala ang South Korea ng kauna-unahang Filipino na nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kinumpirma ito ng Philippine Embassy kung saan nagpositibo ito noong Marso 19 ng ito ay suriin sa pagamutan.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng bansa sa Korean Centers for Disease Control and Prevention at local health authorities para sa pagtulong sa nabanggit na Filipino na nadapuan ng virus.

Umaabot na sa mahigit 120 na mga Filipino mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang nadapuan na ng COVID-19.