Reading Time: 1 minute

Itinalaga na ng Saudi Arabia ang kanilang kauna-unahang babaeng ambassador to the United States na si Princess Reema Bint Bandar Bin Sultan.

Itinuturing ngayon ito bilang isang makasaysayang kaganapan sa bansa.

Sa pahayag na ibinahagi ni Princess Reema, hindi na umano ito makapaghintay na bahagi ang progresong naiisip niya para sa lahat ng Saudi citizens sa US at American public.

Bago maging ambassador ay nagsilbi muna si Princess Reema bilang vice president for development and planning sa Saudi Arabian General Sports Authority. Bago sumali sa Saudi government ay naging chief executive officer muna ito ng Alpha International, ang nangungunang retail corporation na naka-base sa Saudi Arabia.