TNT Katropa
TNT KaTropa/ PBA Image

Naging sulit ang ginawang paghahabol ng TnT KaTropa at tuluyang tinalo ang Alaska Aces 104-93 sa kanilang do-or-die game sa quarterfinalsn ng PBA Commissioner’s Cup.

Nailigtas ni Terrence Jones ang muntikan ng upset mula sa Aces matapos na nagtala ito ng 37 points, 22 rebounds at siyam na assists.

Nag-ambag naman ng 20 points si Troy Rosario habang mayroong 17 points at anim na rebounds si Jayson Castro.

Hindi naman nabigo si TNT coach Bong Ravena dahil mahigpit ang bilin nito sa kaniyang manlalaro ang gagawing matinding depensa.

Hawak ng Aces ang kalamangan sa kalagitnaan ng second quarter 45-30 hanggang untiang nakabagon sila.

Nagtala naman ng 24 points si Simon Enciso habang 19 points at 16 rebounds naman si Diamon Simpson para sa Aces.

Makakaharap ng TNT sa semifinals ang Barangay Ginebra.