-- Advertisements --

Iniulat ng World Health Organization (WHO) na nasa mahigit 70,000 na ang kaso ng monkeypox sa buong mundo kung saan nasa 25 ang nasawi.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na patuloy sa pagbaba ang kaso ng monkepox sa buong mundo subalit nasa 21 mga bansa sa nakalipas na linggo ang nakapagtala ng pagtaas sa mga kaso ng sakit na karamihan ay sa Americas na katumbas ng halos 90 porsyento ng lahat ng kaso na naitala noong nakalipas na linggo.

Nagbabala din ang WHO na ang pagbaba ng bagong naitatalang kaso ng sakit ay hindipa rin dapat aniya magapakampante.

Aniya ang pagbagal ng mga bagong kaso ng monkeypox sa buong mundo ay ang “most dangerous” time sa outbreak.

Nakikipag-ugnayan na rin ang WHO sa mga bansa para mapataas ang kanilang testing capacity at para mamonitor ang trend ng mga kaso ng monkeypox.

Top