-- Advertisements --
leptospirosis

niulat ng Department of Health (DOH) na patuloy na dumarami ang kaso ng leptospirosis sa bansa sa gitna ng nararanasang baha.

Kung saan naitala ang 542 kaso ng leptospirosis sa nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo, 139% ito na pagtaas kumpara sa nakalipas na 2 linggo.

Nakapagtala ng tuluy-tuloy na pagtaas ng kaso ng leptospirosis ang NCR, Region 1 at Region 4-A na mayroong 101 hanggang 441 cases sa nakalipas na 4 na linggo mula July 23 hanggang August 19.

Nakapagtala rin ng pagtaas sa kaso ng leptos sa nakalipas na 3 hanggang 4 na linggo ang iba pang rehiyon tulad ng CAR, Regions 2, 3, 4-B, 5, 6, 8 at Region 9. Mayroong 5 hanggang 143 cases ang naitala sa nakalipas na 4 na linggo ang nabanggit na mga rehiyon.

Sa kabuuan, mula January 1 hanggang August 19, 2023, nasa 3,325 cases ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa kung saan 359 ang nasawi.

Posibleng madagdagan pa aniya ang nasabing bilang dahil sa late reports at dahil sa nagdaang mga bagyo na sunud-sunod na pumasok sa bansa na pinaigting pa ng habagat na nagdala ng malalakas na pag-ulan na nagresulta ng mga pagbaha.

Kayat paalala ng mga health expert na iwasang lumangoy o lumusong sa kontaminadong baha at maruming tubig. Gumamit ng bota kung kailangang lumusong sa baha.