-- Advertisements --

Pumalo na sa halos 2 milyong katao ang nagkakasakit dahil sa coronavirus infectious disease na patuloy pa rin ang pagkalat sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Nananatili pa rin ang Europa bilang ikalawang bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 habang nangunguna pa rin ang Estados Unidos.

Naabot naman ng Italy ngayong araw ang pinakamababang bilang ng bagong kaso sa kanilang bansa matapos daan-daang tao ang naitatalang bagong kaso ng naturang bansa kada-araw.

Patuloy naman ang pakikipaglaban ng France sa coronavirus crisis kasunod ng ika-limang linggo matapos ipatupad ang lockdown. Mas marami pang kaso ang nakukumpirma mula sa isang French carrier aircraft habang daan-daang manlalayag naman na sa ng Charles de Gaulle at iba pang naval vessels ang dinapuan na rin ng virus.

Samantala, pinaplano na ng bansang Germany na luwagan ang national lockdown sa susunod na linggo kung saan papayagan na muling magbukas ang mga maliliit na negosyo. Sa Mayo naman muling bubuksan ang mga eskwelahan sa bansa ngunit mananatiling nakasara ang mga restaurants maliban sa take-out at delivery services.

Lumalala naman ang sitwasyon sa Russia matapos makapagtala ng 24,000 kaso ng COVID-19 ang bansa ngayong araw.