Ibinasura ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang kaso laban sa computer hackers na sumira sa website sa Commission on Elections (Comelec) noong 2016.

Sa inilabas na desisyon ni Manila City RTC Branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ibinabasura nito ang mga kasong isinampa kay Paul Biteng.

Si Biteng ay kinasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 partikular na ang illegal access, data interference at iligal na paggamit ng device.

Nakita ng korte na hindi napatunayan ng NBI na si Biteng mismo ang nag-vandalise ng kanilang website.

Ilan kasi sa mga ebidensiya ay ang screenshot mula sa nasirang Comelec website, komento sa Comelec hacking incident at ang hacking tutorial na hindi nagpapatunay na kagagawan lahat ito ni Biteng.

Sa reklamo ng NBI na inamin ni Biteng na siya ang nasa likod ng hacking pero ito ay para subukan ang security features ng automated elections.

Sinampahan ito ng NBI matapos makita nila ang ilang hacking activities mula sa computer ni Biteng.