Inihahanda na ang PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kaso laban sa apat na pulis sa Las PiƱas City na naaktuhang nag-iinuman habang naka-duty.

Sinabi ni PNP-IAS Chief Gerry Galvan, na malaki ang posibilidad na matanggal sa serbisyo sina Patrolman Samuel Inoc, Police Corporal Randy Danao, Police Corporal Alquin Orgen, Police Corporal Robemar Abales matapos na maaktuhan niya mismo ang mga ito na nag-iinuman habang naka-uniporme.

Magugunitang pasado alas-2 ng madaling araw nitong Biyernes ng maaktuhan ni Galvan ang mga nabanggit na kapulisan na nag-iinuman sa ginawa nitong surprise inspection.

Agad nitong dinis-armahan ang mga kapulisan at pinakasuhan ng administratibo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar.