ILOILO CITY- Buwis-buhay ang eksena sa isang kasal sa lalawigan ng Antique dahil sa halip na bridal car, sa backhoe sumakay ang bagong kasal kabilang na ang buong entourage upang makatawid sa bumabahang ilog.
Ang ikinasal ay ang magkasintahang Ivy Alentajan Sareno at Regie Sareno, na pawang residente ng Sibalom, Antique.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ivy Alentajan Sareno,sinabi nito na matapos ang kasal at papunta na ang mga ito sa reception,umapaw ang tubig sa ilog kung kaya’t hindi kaagad sila nakatawid at hinintay na humupa ang tubig ngunit makaraan ang isang oras, mataas pa rin ang lebel ng tubig.
Doon na napagpasyahan na kanilang hiramin ang dalawang backhoe na ginagamit sa pinapatayong tulay.
Habang nakadamit pangkasal ang dalawa, sumakay ang mga ito sa backhoe at ang nasa 200 mga bisita upang makatawid.
Laking pasasalamat ng mga ito na walang masayang nangyari sa buwis-buhay nilang pagtawid sa bumabahang ilog para lang matuloy ang kanilang selebrasyon.