-- Advertisements --

Dadagdagan ng pamahalaan ang pondong ilalaan para sa repatriation ng nasa humigit kumulang 100,000 OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic sa ilalim ng Bayanihan 2 bill, ayon kay House Majority Leader Mike Defensor.

Una rito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magkakaroon ng realignment sa P2.5 billion capital outlay fund ng DFA ngayong 2020 para gamitin sa repatriation ng mga OFWs.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan 2, at umaasa si Defensor na maaprubahan ito sa pagbubukas ng kanilang second regular session sa darating na Lunes, Hulyo 27.

Nabatid na nasa 96,000 OFWs na ang natulungan ng DFA na makauwi ng Pilipinas, at sinasabi ni Locsin na madadagdagan pa ang bilang na ito hangga’t wala pang bakuna sa COVID-19.

Bago sa anunsyo ni Locsin hinggil sa kanilang pondo, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na mayroon na lamang P232 million na natitirang pera ang kagawaran para sa repatriation ng mga OFWs.

Ang naturang halaga ay sapat lamang aniya hanggang sa darating na Agosto.