NAGA CITY- Arestado ang isang Punong Barangay matapos bastusin ang mga otoridad na nagsasagawa ng checkpoint operation sa National Road,
Purok 1Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Kapitan Remus Ramos ng Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na nagsasagawa ng joint checkpoint operation sina PSSgt Rizaldy Lique, kasama si PCpl Ian Henry Naisa at iba pang team members nang subukang pahintuin ang nasabing opisyal.

Sa gitna ng ginagawang proseso sa mga dokumento, nagsimula na umanon g magsalita ng mga hindi kanais-nais ang Kapitan.

Maliban dito, pwersahan pa nitong inagaw pabalik ang kanyang Professional Driver’s License sa isang police office na nagresulta para arestuhin na ito ng mga otoridad.

Sa ngayon, hinahanda na ang kasong isasampa laban sa nasabing opisyal.