Reading Time: 1 minute

(Update) LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa isang gunman na suspek sa pamamaril sa punong barangay at chief tanod sa Barangay San Marcos, Placer, Masbate.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, tumatambay lang sa isang tindahan ang mga biktimang sina Kapitan Antonio Jose Aum kasama ang tanod na si Graciano Condrillon nang biglang pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na agad na naitakbo sa ospital habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad naman na nakahingi ng tulong ang mga nakakitang residente kung kaya’t nakapagresponde ang mga pulis na nakipagbarilan sa mga suspek.

Patay naman ang isa sa mga gunman matapos na mapuruhan ng mga otoridad, habang nakatakas naman ang isa pa na pinaghahanap na rin sa ngayon.

Samantala, hindi pa rin mabatid ng otoridad kung ano ang posibleng motibo ng pamamaril sa mga biktima at kung sino ang nasa likod nito