Reading Time: 1 minute

Tinuligsa ng pamunuan ng Phoenix Fuel Masters ang umano’y pang-aabusong ginagawa ng suspendido nilang player na si Calvin Abueva sa kanyang pamilya.

Nitong weekend nang ibulgar ng asawa ni Abueva na si Sam ang aniya’y pananakit sa kanya at sa kanilang apat na mga anak, maliban pa sa pangangaliwa umano ng PBA player.

Binigyang diin ng Fuel Masters na ang naturang mga gawain ay walang puwang sa kanilang organisasyon.

Kasalukuyan din daw nilang mino-monitor ang mga development sa akusasyon ni Sam, at kanila ring ikinokonsidera na magsampa rin ng reklamo laban kay Abueva.

“Claims of domestic violence and neglect have no place in our team and are seriously considered and mulled over by the company,” saad ng Fuel Masterssa isang formal statement.

“Once a full and appropriate legal procedure of these allegations is conducted, the team will assess the situation further and from these, decide the fate of Calvin with the team.”

Una nang itinanggi ni Abueva ang mga alegasyon ng kanyang asawa laban sa kanya.