Nakakuha ng isang bilyong YouTube views ang music video ng hip hop star Eminem na “Rap God”.

Inilabas ang nasabing official music video noong 2013.

Itinuturing ng 47-anyos na singer na ang pagkakuha niya ng 1 bilyon views sa nasabing music video ay isang malaking karangalan.

Ito na ang pangatlong music video ng rapper na nakakuha ng 1 billion views na ang una ay “Not Afraid” at “Love the Way You Lie”:

Nangunguna pa rin ang kantang “Despacito” sa may pinakamaraming views na aabot sa mahigit 6.6 billion views.