Reading Time: 1 minute

Wala umanong ideya ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao sa pahayag ni US boxing champion Floyd Mayweather Jr na inaayos na niya ang exhibition game nila ng fighting senator sa Japan.

Sinabi ni MP Promotion President Sean Gibbons, hindi pa sila tinatawagan o hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila si Floyd.

Dagdag pa nito, nabigla sila sa pahayag ito ni Mayweather.

Magugunitang sa kaniyang social media post ay ibinunyag ni Mayweather na inaayos na ng kaniyang kampo ang exhibition game nila ni Pacquiao.

Una nang naghamon si Pacman at maging si coach Freddie Roach na magkaroon sila ng rematch ng undefeated American champion.