Reading Time: 1 minute

Humiling ang kampo ni dating Benguet Rep. Samuel Dangwa sa Sandiganbayan na ibasura na ang kaso nitong may kinalaman sa pork barrel scam kasunod ng pagpanaw nito.

Naghain sa 3rd Division ang mga abogado ni Dangwa ng notice of death at motion to dismiss para sa patung-patong na kasong graft, malversation at direct bribey na hinaharap nito.

Ito’y matapos akusahan ng paglalaan ng P54-milyon halaga ng Priority Development Assistance Fund sa pekeng non-government organizations ng umano’y mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Nitong nakaraang Abril nang mamatay ang dating kongresista dahil sa sakit.

Ayon sa mga abogado ni Dangwa wala ng rason para ituloy pa ang kaso dahil nasa proseso pa rin ito ng paghahain ng mga ebidensya, gayundin na hindi nakakapagbaba ng hatol dito ang korte.

Hindi na rin daw madedepensahan ni Dangwa ang sarili dahil patay na ito.

“In view thereof, counsel respectfully submit that there exists no further need to determine his criminal liability through these proceedings because his death has the effect of totally extinguishing the same.”

“Moreover, it has been ruled upon that ‘upon death of the accused pending appeal of his conviction, the criminal action is extinguished inasmuch as there is no longer a defendant to stand as the accused.”