BAGUIO CITY – Hihigpitan pa ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWD)-Benguet ang kampanya laban sa pagpapalimos sa lalawigan.

Mariing tinututulan ni Juana Bannawe, PSWD Officer ang pamamalimos.

Ipinaliwanag niyang hindi ang pamamalimos ang wastong paraan para humingi ng tulong.

Sinabi niya na may iba’t-ibang programa para matulungan ang mga nangangailangan.

Pinayuhan nito ang publiko na agad na ireport sa kanilang opisina kung may makita silang nagpapalimos.

Una nang kinumpirma ng mga awtoridad na posibleng dadami na naman ang mga mamamalimos sa Baguio City at sa Benguet dahil sa paparating na holiday seasons.