NAGA CITY – Passable na ngayon ang kalsada sa Sta. Lucia, Presentacion, Camarines Sur matapos maitala kahapon ang paguho ng lupa dahil sa tuloy-tuloy na nararanasang pag-uulan sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regina Bea, Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer, sinabi nitong agad namang rumesponde ang Department of Public Works ang Highways (DPWH) sa lugar para sa clearing operation.

Ayon kay Bea, apektado ng naturang landslide ang mga sasakyang papuntang lungsod ng Naga at isla ng Caramoan.

Ipinagpasalamat naman ni Bea na walang nasaktan sa naturang paguho ng lupa.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Bea sa publiko na mag-ingat lalo na at konsiderado aniyang landslide prone area ang ilang mga lugar na malapit sa naturang area.