Reading Time: 1 minute

NAGA CITY- Isang kalansay ng tao ang nadiskobre sa Sitio Buri, Bustrac,Nabua Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Snr Master Sgt. Bryan Pentecostes ng Nabua-PNP, sinabvi nitong isang residente ang nakadiskobre ng naturang kalansay na malapit sa isang kawayan.

Ayon kay Pentecostes, wala aniyang palatandaan ang naturang kalansay dahil wala ring damit na natagpuan sa lugar.

Hindi rin matukoy ng mga otoridad kung gaano na katagal ang naturang human skeleton sa naturang lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa likod ng pagkamatay ng biktima habang inaalam na rin ang pagkakakilanlan nito at mahanap ang pamilyang may nawawalang kamag-anak.