-- Advertisements --
draft

Simula na ng agawan at pagpapalakas muli ng mga teams sa NBA upang makasungkit ng mga magagaling na bagitong players sa magaganap na 2022 NBA Draft.

Mahigit sa 50 mga players ang nakataya na pag-aagawan ng mga teams na karamihan ay mga college standouts at international players.

Kung maalala bentahe ng mga NBA teams na makakuha ng pinakamagaling na bagitong players upang makabuo ng championship team o dynasty sa hinaharap.

Halimbawa na lamang sa mga de-kalibre na mga players na sina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson na nagbigay ng pagkakataon sa Golden State Warriors na tumuntong sa NBA championships ng apat na beses ay pawang dumaan din sa draft.

Ang 2022 NBA Draft ay isasagawa bukas sa Brooklyn Barclays Center, kung saan nasa kabuuang 58 mga players ang nakataya.

-- Advertisement --

Gayunman kapansin pansin na wala doon sa mga mock draft ang pangalan ng 7’2″ na higanteng player na si Kai Sotto.

Sa kabila nito nasa anim na rin na mga NBA teams ang binigyan siya ng pagkakataon na magsagawa ng workouts kabilang na ang mga team na New York Knicks, Los Angeles Clippers, Chicago Bulls, Portland TrailBlazers, Indiana Pacers at Sacramento Kings.

kai sotto pacers
Kai Sotto

Sa Kings workout ay nagkita pa sila ng PBA great na si Jimmy Alapag na assistant coach sa G League affiliate ng Sacramento na Stockton Kings.

Kung makuha si Sotto, 20, bukas sa Draft, gagawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang full blooded Pinoy player na lalaro sa NBA.

Sa ngayon kasi dalawang Filipino-Americans na sina Utah Jazz guard Jordan Clarkson at Houston Rockets Jalen Green ang naglalaro na sa NBA.