BUTUAN CITY – Patay ang isang barangay kagawad at pinsan nito matapos makuryente alas-5:30 ng kahapon sa Purok-4, Barangay Buhang sa bayan ng Magallanes, Agusan Del Norte.

Kinilala ni Police Lt. Carlos Villadores, Deputy Chief ng Magallanes Municipal Police Station ang mga biktima na sina Raymond Losdose, 28, binata; at ang tiyuhin nitong si Jeuward Sara, 35, ng Barangay Sto. Niño ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Villadores na binayaran lamang ang mga biktima upang maglinis sana bahay ni Alvina Bolongaita, 70-anyos.

Pero nang umakyat na sa bubungan ang mga ito para sana pinturahan, hindi nila namalayan ang live wire na linya ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) na halos nakadikit na sa bubong.

Posible umanong aksidenteng nasagi ng mga ito ang wire at nadikit na sila hanggang sa namatay.

Umabot pa sa mga 20 minuto bago nawala ang linya ng kuryente at nakuha ang kanilang mga bangkay na dinala pa sa ospital sa lungsod.