Isinugod sa ospital ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) makaraang makaranas ng pananakit ng sikmura dahil sa umano’y hazing.

Ayon kay PNPA Public Information Office chief, PLt. Col. Byron Allatog, idinaing ni Cadet 4th Class John Desiderio ang pananakit ng tiyan nito noong Martes ng umaga.

Agad namang dinala sa PNPA dispensary ang kadete, at inilipat sa PNP Hospital at sa East Avenue Hospital kalaunan base sa rekomendasyon ng doktor.

“It could be a possible case of maltreatment but we are awaiting still for the statement of the cadet to confirm thoroughly,” wika ni Allatog.

Nagsasagawa aniya sila ngayon ng imbestigasyon upang silipin ang lahat ng posibleng mga angulo kaugnay sa isyu.