-- Advertisements --

Naka-ambag ng bahagya sa pagdami ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa ang kabiguan sa wastong pagpapatupad ng credit stimulus, ayon sa beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda.

Sinabi ito ni Salceda matapos na inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang resulta ng kanilang latest Labor Force Survey kung saan natukoy na umakyat sa 4 million ang bilang ng unemployed na Pilipino noong Enero 2021, kumpara sa 3.8 million na naitala noong Oktubre ng nakaraang taon.

Patuloy pa rin kasi aniyang “risk-averse” ang hakbang ng mga bangko, kung saan mas inilalagay nila ang kanilang pera sa trading operations kaysa ipa-utang ito.

Hindi rin aniya kaagad inilabas ng Executive Branch ang equity infusion sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa mga government financial institutions (GFIs).

Bukod dito, naglabas pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng mas strikto na guidelines sa pautang, sa kabila ng expansion sa kanilang monetary policy.

-- Advertisement --

Kaya naman hindi na nakakagulat pa na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero, ayon kay Salceda.

“As I have emphasized during the Bayanihan 3 hearings, we are not yet out of the woods,” ani Salceda.

Gayunman, sinabi ng kongresista na kailangan na maging mas “ambitious” ang vaccination program ng pamahalaan at hindi lamang basta umasa sa mga donasyon.

Sa pamamagitan kasi ng mabilis na vaccine rollout nakasalalay ang pagbangon din ng ekonomiya ng bansa, bukod pa sa inaasahang malilikhang trabaho para sa mga Pilipino sa ilalim ng CREATE Act.

Bukod dito, kailangan din na maibalik ang public transport para magkaroon ng manufacturing o industrial growth.