Naghain ng manifestation of intent ang Kabataan party-list sa Commission on Elections para makibahagi sa 2022 May elections.
Nabatid na electronically inihain ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago noong Marso 19 ang kanilang manifestation of intent at Marso 21 naman via courier.
Sa isang statement, sinabi ni Elago na sa kabila ng banta ng disqualification, at matinding atake sa kanilang hanay, hindi sila pipipigil na lumahok at manindigan sa halalan sa susunod na taon.
Iginiit ni Elago na malaki ang papel ng kabataan sa para matiyak ang epektibong pagtugon ng pamahalaan at pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa harap ng kalbaryong dulot ng COVID-19.
Kasunod nito, hinimok ng kongresista ang mga napapabilang sa youth sector na magparehistro na para sa nalalapit na halalan.
Kamakailan lang, naghain din ng kanilang manifestation of intent ang Gabriela Women’s Party para makibahagi sa 2022 national at local elections.