Saudi women
Saudi women

Maari ng makapasok sa pagkasundalo ang mga kababaihan ng Saudi Arabia.

Ito mismo ang inanunsiyo ni Crown Prince Mohammed bin Salman na inaprubahan ang reporma sa pagpapalawig ng karapatan ng mga kababaihan.

Ayon naman sa foreign ministry na maaari na silang manilbilhan bilang private first class, corporal o sergeant.

Magugunitang noong nakaraang taon ay pinayagan na ang mga kababaihan na magmaneho ng mga sasakyan.