TUGUEGARAO CITY – Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong agila at Brahminy kite bird nas nahuli ng ilang residente sa bayan ng Baggao at Sta. Teresita, Cagayan.

Sinabi ni Atty. Ismael Manaligod, director ng Provincial Environment and Natural Resources na ang tatlong serpent eagle at nahuli ng mga residente sa Brgy. Bitag Grande at San Vicente habang ang Brahminy kite bird ay nahuli naman sa Poblacion at isa pang eagle sa Sta. Teresita.

Ayon kay Manaligod, nasa maayos na kalagayan ang mga nasabing ibon at pakakawalan din sa kanilang habitat sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, nagbabala si Manaligod na may kaukulang parusa sa mga manghuhuli at mag-aalaga ng mga nasabing uri ng mga ibon na itinuturing na mga endangered specie.