Ibinunyag ni Canadian pop singer Jusitn Bieber ang kaniyang muling pagbabalik sa 2020.

Isinabay nito ang anunsiyo sa bisperas ng Pasko.

https://www.youtube.com/channel/UCIwFjwMjI0y7PDBVEO9-bkQ

Sa pamamagitan ng kaniyang social media account nagpost ito ng bahagi ng kaniyang music video ng bago nitong kanta na YUMMY na ilalabas sa darating na Enero 3.

Kasabay din nito ang anunsiyo na lalabas siya sa isang documentary TV Series at ang pagkakaroon ng US tour mula Mayo hanggang Setyembre.

Magugunitang mula pa noong 2017 ay hindi na ito gumawa ng kanta kasabay ng pagkansela ng 14 na World tour nito.

Itinuturong dahilan ng pagliban nito sa paggawa ng kanta ay ang dinaranas nitong depression dahil sa labis na paggamit ng droga.