Humingi naman ng tawad sa kanyang mga fans si 25-anyos Canadian Popstar, Justin Bieber dahil hindi nito nalagpasan ang inaasahan ng kanyang mga fans sa huling concert na isinagawa nito.

Pag-amin ng binata, kumakaharap siya sa matinding depression at trust issues sa kanyang asawa na si Hailey Baldwin na sanhi kung bakit walang umano siyang gana na gumawa ng kanta.

Kinumpirma naman ni Bieber na bumibisita ito sa mga doktor upang tulungan siyang malagpasan ang kanyang pinagdadaanan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bieber ang excitement ng kanyang mga fans na muli itong maglalabas ng kanyang album.

Ngunit ayoon dito nais umano niyang ayusin ang kanyang sarili bago ito maglabas ng panibagong musika.

Humingi rin ito ng panalangin sa kanyang mga fans na patuloy pa rin ang pagsuporta sa kabila ng kanyang desisyon.