LAOAG CITY – Naitala ang ilang problema sa isang paaralan sa Lungsod ng Laoag.

Sa pagtungo ng Bombo Radyo Laoag sa Balacad Elementary School, napag-alaman na may tatlong classrooms pa na hindi nakumpuni kabilang sa Kindergarten, Grade 1 at Grade 2.

Ayon kay Mr. Menardo Bagaoisan, Head Teacher III ng Balacad Elementary School, tini-text at tinatawagan niya ang KRV Construction na siyang magkukumpuni sa mga classroom subalit walang sumasagot sa kanya.

Sinabi pa ni Bagaoisan na kahit nag ilang paaralan sa lungsod ay may ganito ring problema kaya umaasa na masolusyunan ito agad para maging komportable ang mga mag-aaral.