MJ jersey
MJ jersey/ Goldin Auction

Naibenta sa halagang $288,000 o mahigit P14 million ang basketball uniform ni NBA legend Michael Jordan na kaniyang isinuot noong 1996-1997 championship season.

Ayon sa Goldin auction, tumaas ang mga memorabilia ni Jordan mula nang ipalabas ang biography nito na “The Last Dance”.

Ang nasabing jersey and shorts combo ay ginamit ni Jordan noong Abril 14, 1997 nang talunin sila ng Detroit Pistons sa score na 108-91.

Nagtala lamang ng 18 points ang Bulls superstar.

Nagsimula sa $75,000 ang initial bid ng nasabing uniporme hanggang sa ito ay nabili sa nasabing halaga.

Nahigitan nito ang unang uniporme ni Jordan na naibenta rin sa auction na 1984 Team USA jersey sa halagang $173,000.