-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni Jose Maria Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang mga ibinabato sa kaniyang alegasyon ng red-tagging sa left-leaning organizations at pagtanggap daw nito ng milyon-milyong pera mula sa mga infrastructure project ng Department of Works and Highways (DPWH).

Una nang pinagbintangan si Sison ng ilang opisyal tulad nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año at Southern Luzon Comman chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dahil sa umano’y ginagawa nitong reg-tagging sa mga organisasyon tula ng Anakbayan, Bayan Muna, Gabriela at iba pa.

Sa pagdinig ng Senado sa mga military officials na nadadawit sa red-tagging, ipinakita ng National Intelligence Coordinating Agency ang video ni Sison kung saan makikita na iniuugnay nito ang mga nasabing grupo sa communist movement.

Itinanggi rin ni Sison ang mga alegasyon na nakatanggap daw ito ng P400 million sa pamamagitan ng New People’s Army na galing naman sa mga contractors ng infrastructure projects at telecommunication companies tulad ng sinasabi ni Jeffrey Celis na dati raw myembro ng mga rebelde.