Pansamantala muna umanong mananahimik si John Travolta sa gitna ng pagluluksa para sa kanyang celebrity wife na si Kelly Preston sa edad na 57.

Ayon sa 66-year-old actor, hindi nito malilimutan ang matapang na pagharap ng kanyang misis sa dalawang taon na pakikipaglaban sa breast cancer bago tuluyang sumuko.

Gayunman, nais daw niyang gabayan ang kanilang mga anak kaya hindi na magagawang mag-react sa mga magpapadala pa ng mensahe ng pakikiramay.

Naulila ng “Jerry Maguire” actress si John at ang kanilang mga anak na sina Ella, 20, at Benjamin, 9.

Nabatid na ang panganay na anak nina Kelly at John na si Jett ay namatay noong 2009 sa edad lamang na 16.

Kabilang pa sa mga pelikula ni Preston ay ang “Twins,” “Mischief,” ‘The Cat in the Hat,” at marami pa.