-- Advertisements --

Excited na si Grammy-winning singer John Legend na muling makapagtanghal sa Pilipinas, na aniya ay tahanan ng ilan sa mga pinaka-masugid na music fans sa mundo.

Espesyal rin daw para sa kanya ang nakukuhang pagmamahal at suporta sa mga Filipino tuwing bumibisita siya sa bansa.

Ito na ang ikaapat na pagbisita ni John Legend sa Pilipinas. Ayon sa singer, matagal na niyang hinihintay ang muling pagbabalik sa bansa.

Isa sa mga pinakaminamahal niyang kanta ng Filipino fans ang “All of Me,” na naging paborito rin sa mga karaoke at mga espesyal na okasyon gaya ng kasal at anibersaryo.

Sinabi ni Legend na masaya siyang malaman na ang kanyang mga awitin ay naging bahagi ng buhay ng mga Filipino.

Sa kanyang Manila concert na “An Evening of Songs and Stories,” plano niyang magbahagi hindi lamang ng musika kundi pati ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay, mga inspirasyon at mga kantang isinulat niya.

Inaasahan din ni Legend ang isang malaking sing-along kasama ang kanyang Filipino fans, lalo na dahil kilala ang Pilipinas na mahilig mag-karaoke.