Pasok na sa semifinals ng French Open si Johanna Konta.

Ito ay matapos talunin si Sloane Stephens sa score na 6-1, 6-4.

Dahil dito ay siya ang magiging kauna-unahang babae na umabot sa French Open semifinals na ang huli ay si Jo Durie noong 1983.

Sinabi ni Konta na ipinagmamalaki niya ang kaniyang sarili dahil sa natalo niya ang isa sa pinakamagaling na manlalaro.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Marketa Vondrousova o Petra Martic.