jinkee 5

HOLLYWOOD, California – Bagamat alam na ng marami na si Jinkee Pacquiao ay may malaking koleksyon ng mga luxury bags marami rin ang hindi nakakaalam kung ano ang kanyang talagang mga paborito.

Si Jinkee ay personal na manonood muli upang suportahan si Sen. Manny Pacquiao na may laban kontra kay Keith Thurman sa MGM Las Vegas sa Hulyo 21, 2019.

Sa isang panayam, ibinahagi ng misis ng fighting senator ang kanyang apat na pinaka-paboritong designer bags.

Sa lahat ng kanyang mga mamahaling bags, apat daw ang mas napupusuan ni Jinkee.

Isang klase na rito  ang kaparehas ng designer bag na naisubasta sa world record price na umabot sa P19 million.

Sa lahat ng kanyang mga bags, tatlong kilalang brands ang gumawa ng kanyang mga paborito, gaya ng Hermes (Himalayan Birkin, Birkin in gray snakeskin), isang two-tone na bag mula sa Kelly Ghillies, at isang yellow minaudiere mula naman sa Goyard na kilalang French brand ng luxury bags. 

Aminado naman din si Jinkee na kung minsan, nagugulat na lang ang kanyang mister sa presyo ng kanyang mga nabibiling bags. 

At kung minsan, hindi na rin daw niya naipapaalam ang presyo nito nang tuluyan.

“Minsan hindi niya alam ‘yung mga price ng mga bag ko. Minsan nalalaman na lang niya sa iba,” ani Jinkee. 

“Sasabihin niya “ay mahal pala ‘yan!” Kapag nalaman niya na sa ibang tao,” dagdag pa nito

Sa panayam naman sa tiyahin ng pambansang kamao na si Lilia “Pretty” Lao una na nitong sinabi na sa Hulyo 5, 2019 ang dating ng ilang miyembro ng pamilya ni Jinkee sa Los Angeles.