-- Advertisements --
JIMMY BUTLER

Dinepensahan ng Miami Heat ang homecourt nito laban sa Brooklyn Nets, 122 – 115.

Nanguna si Jimmy ‘buckets’ Butler sa opensa ng Miami sa kanyang 36 points at limang rebounds, habang 26 points naman ang idinagdag ni Duncan Robinson.

Para sa Nets, kapwa nagbuhos ng tig-23 points sina Mikal Bridges at ang benchplayer na si Lonnie Walker IV, habang tig-16 points din ang ambag nina Nic Claxton at Cameron Johnson.

Mistulang naging easy win para sa Miami ang naturang laban matapos hawakan ang lead sa kabuuan ng game hanggang sa pagtatapos nito.

Bagaman hindi nagkakalayo ang opensa ng dalawang koponan, labis na napahirapan ang Nets dahil sa dami ng turnover nito. Kumamada ito ng kabuuang 14 turnover na siya namang sinamantala ng Miami.

Sa kasalukuyan, hawak ng Heat ang 8 – 4 na kartada habang 6 – 6 naman para sa Brooklyn.