Nakapagtala ng record si Jennifer Aniston dahil sa bilis na pagdami ng followers nito sa Instagram.

Base sa Guiness World Record, sa loob lamang ng limang oras at 16 na minuto ay umakyat agad sa 1 million ang IG followers ng actress.

Bago pa lamang ang actress sa IG at ang unang post niya ay larawan kasama ang dating cast ng tv series na F.R.I.E.N.D.S.

Mula ng maipost nito ng actress ay mabilis itong nag-trending sa buong mundo.

Unang hawak nina Prince Harry at Meghan Markle ang record ng ilunsad nila nitong Abril ang official IG account nila na @sussexroyal na umabot ng ng 1 million follower sa loob lamang ng limang oras at 45 minuto.