MITCHELL DONOVAN
Donovan Mitchell / IG post

Nagpositibo sa coronavirus si Utah Jazz guard Donovan Mitchell.

Ito mismo ang kinumpirma ng koponan ilang oras matapos na magpositibo rin ang team-mate nitong si Rudy Gobert na siyang unang NBA player na nagpositibo sa virus.

Ayon sa ibang mga manlalaro ng koponan na naging pabaya si Gobert kung saan hinahawakan niya pati gamit ng ibang mga kasamahan.

Mayroong 24.2 points , 4.4 rebounds at 4.2 assist kada laro si Mitchell.

Magugunitang tuluyan ng kinansela ng NBA ang lahat ng laro dahil sa banta ng COVID-19.