LAZO 1
-- Advertisements --

ILOILO CITY- Pinawi ni Jaro Archbishop Most Reverend Jose Romeo Lazo, D.D. ang pangamba ng publiko hinggil sa pagpapabakuna.

Ito ay matapos na naturukan siya ng unang dose ng Astrazeneca vaccine noong Marso 15.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Archbishop Lazo, sinabi nito na matapos niyang natanggap ang bakuna, wala itong naramdamang side effects.

Sa isang circular letter, una nang hiniling ni Lazo sa mga tao na isipin ang ‘common good’ kapag nagdesisyon na magpabakuna.

Nanawagan rin si Lazo sa mga obispo sa bansa na magpabakuna na rin upang maengganyo ang mga mananampalataya ng simbahan na suportahan din ang vaccination.

-- Advertisement --

Maliban kay Lazo, isa rin sa mataas na lider ng Simbahang Katolika na nabakunahan ay si Baguio Bishop Victor Bendico.

Una nang sinabi ng CBCP na binakunahan si Lazo upang maihanda ito sa sunod-sunod na pastoral activities ng simbahan.