-- Advertisements --

Nagprotesta sa pamamagitan ng diplomatic channels ang Japan matapos na bumagsak ang Chinese missiles sa loob ng kanilang exclusive economic zone.

Ayon kay Japanese defense minister Nobuo Kishi, nasa limang ballistic missiles na pinakawalan ng China ang lumalabas na bumagsak sa EEZ ng Japan nitong Huwebes na bahagi ng military exercises na inilunsad ng China.

Ito na itinuturing na pinakamalaking military drill ng China sa Taiwan Strait na may kasamang live-firing sa mga katubigan sa hilaga, timog at silangan ng Taiwan na nagdulot ng tensyon sa lugar.

Ang EEZ ay nasa 200 nautical miles mula sa outer limits teritorial seas ng Japan.

Matatandaan na inilunsad ng China ang itinuturing na malaking military drills dalawang araw matapos bumisita si U.S. House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, ang pinakamataas na opisyal ng U.S. na bumisita sa Taiwan makalipas ang 25 taon, at ilang oras naman matapos sabihin ng China na nakansela ang nakaplanong pagpupulong sa pagitan ng foreign minister nito at ng Japan dahil sa hindi kasiyahan ng China sa isang pahayag ng G7 na humihimok sa Beijing na lutasin nang mapayapa ang mga tensyon sa pagitan nila ng Taiwan.