-- Advertisements --

Ibinahagi ni actor na si Jamie Foxx ang kaniyang paghahanda matapos na ito ay napiling gaganap bilang si Mike Tyson.

Bibida kasi ang actor sa biopic ng boxing legend na si Tyson.

Ilan sa mga paghahandang ginagawa nito ay ang pagsasagawa ng matinding workout.

Nagsasagawa ito ng 60 pull ups, 60 dips at 100 push ups para mapanatili at magaya ang katawan ng boxing legend.

Labis ang ikinatuwa ng actor ang nasabing pagganap nito kung saan noon pang nakaraang taon ay sinimula na nila ang pagkuha ng ilang eksena.

-- Advertisement --