STAR FM CEBU -Naka half mast ngayon ang Regional Office ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-7 matapos namatay ang isang warden sa Argao District Jail pasado alas 6 ng umaga nitong Huwebes.

Dead on arrival nang dalhin sa Argao District Hospital si JSInsp. Francisco Pujol Jr., 32 anyos matapos itong makaranas ng hirap sa paghinga.

Ayon pa kay JO1 Niltone Silagpo, jail nurse ng Argao District Jail na bago pa ang insidente ang nasabing jail warden ay nananatili lang sa loob ng pasilidad mula ng magsimula ang pandemya.

Dagdag pa, na nakakaranas ng ubo si Pujol sa nagdaang 6 na araw na nag-udyok sa kanya na hikayatin ito na sumailalim sa medical check-up ngunit tumanggi ang huli.

Napansin pa nilang nahihirapan pa umano ito sa paghinga habang natutulog kaya pinayuhan ito ng nurse na magpa-ospital, ngunit tumanggi pa rin ito.

Kaya nitong Huwebes ng umaga ay pinilit nila ito at dinala sa ospital subalit idineklara ding dead on arrival.

Nakunan na rin ng swab test ang nasabing lalaki at hinihintay nalang ang resulta.