Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na istriktong ipatutupad ng militar ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF batay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, epektibo ang unilateral ceasefire kaninang hatinggabi na tatagal hanggang April 15, 2020.

Inatasan na rin ni Lorenzana ang AFP na magpatupad ng Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF.

Giit ng kalihim, tuloy pa rin aniya ang normal na law enforcement operations ng AFP sa koordinasyon ng PNP at mga aktibidad na may kinalaman sa mga programa ng NTF-ELCAC (National Task Force to end the Local communist armed Conflict) para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Paalala ng kalihim sa militar, manatiling laging handa na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Aniya, batay sa kasaysayan sinasamantala ito ng komunistang grupo kapag umiiral ang tigil putukan.