Reading Time: 1 minute
JERUSALEM CLASH 2

Pumalo na sa 61 katao ang sugatan matapos madamay sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng Israeli police at Palestinian worshippers.

Nangyari ang naturang insidente kasabay ng pagdiriwang ng Eidl Adha o Feast of Sacrifice.

Base sa mga naunang reports, binaril ng isang Palestinian ang isang sundalo na kaagad naman nitong ginantihan din ng putok ng baril.

Kinumpirma naman ng Hamas health ministry na napatay ang nasabing Palestinian.

Nagpakawala naman ng granada ang mga otoridad sa Jerusalem matapos umigting ang ginagawang kilos-protesta ng mga Palestinian sa Al-aqsa mosque compound.

Nasa 15 biktima ang kasalukuyang ginagamot pa rin sa ospital at 7 katao naman ang inaresto ng mga pulis.