Benjamin Netanyahu
Benjamin Netanyahu/ IG post

Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpapatuloy ang kanilang missile attack laban sa mga terorista na nagtatago sa Gaza.

Kasunod ito ng pagpapakawala ng mahigit 600 rockets ng mga militanteng grupo patungong Israel.

Sinabi pa ni Netanyahu na magbabayad ang mga teroristang grupo dahil sa kanilang ginawa.

Mayroon ng 260 airstrikes ang Israel laban sa mga teroristang grupong Hamas na nasa Gaza.

Ipinagmalaki pa ng Israel na kanilang napatay ang 34-anyos na si Hamid Ahmed Abdul Khudri na siyang responsable sa paglipat ng pera mula Iran papunta sa mga militanteng grupo sa Gaza.

Gumagawa naman ng hakbang ang United Nations kasama ang Egypt para maibalik ang ceasefire at maibsan ang pagdurusa ng mga tao sa Gaza.