Reading Time: 1 minute
Prime Minister Benjamin Netanyahu
PM Netanyahu/ IG post

Mahigpit na nagbabala si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na may kakayahan ang kanilang Israel fighter jets na makarating sa anumang bahagi ng middle east lalo na sa Iran.

Isinagawa nito ang pahayag sa pagbisita niya sa Nevatim air at ininspect ang F-35 jets.
Muling iginiit nito na patuloy ang pagbabanta ng Iran na kanilang wawasakin ang Israel.

Nanawagan din ito sa mga European countries na patawan ng sanctions ang Iran dahil sa patuloy ang pagdami ng kanilang uranium enrcihment.

Noong Mayo 2018 ay ipinagmalaki ng Israel military na sila ang magiging kauna-unahang bansa na gagamit ng F-35 sa giyera.