Reading Time: 1 minute

Pinabulaanan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga ulat na ibebenta na ng lokal na pamahalaan ang lupa ng Manila Zoo.

Ito’y kasunod ng pagpapa-shutdown dito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa nadiskubreng kawalan ng sewage treatment facility.

Sa isang panaam sinabi ni Moreno na hindi niya ibebenta ang Manila Zoo dahil plano raw nitong buhayin ang isa sa mga dating sikat na pasyalan sa Metro Manila.

Target daw ng alkalde na buksan muli sa publiko ang park, oras na makapagpatayo na sila ng maayos na treatment facility sa wastewater.

Batay sa ulat, hindi na sumailalim sa repair ang drainage system ng Manila Zoo mula 1950.