-- Advertisements --

Inako ng Islamic State militants ang naganap na dalawang pagsabog sa Kabul airport na ikinasawi ng 60 katao kabilang ang 12 sundalo ng US.

Isinagawa ng ISIS militants ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng kanilang Telegram channel.

Hindi naman malinaw kung ano ang naging motibo nila sa nasabing insidente.

Magugunitang pinasabog ng suicide bomber ang kaniyang sarili sa pagtitipon ng mga translators at US Army sa “Baran Camp” malapit sa paliparan.

Kabilang sa nasawi sa insidente ang mga Taliban fighters na nasa lugar din.

-- Advertisement --

Nangyari ang malagim na insidente kasunod ng babala kahapon ng military officials n dapat lisanin ng mga tao ang paligid ng airport dahil sa umiiral na “acute threat.”