CAUAYAN CITY- Suspendido na rin ang lahat ng pasok sa mga tanggapan ng Isebala Electric Cooperative 0 ISELCO 2.

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Dave Solomon Siquian General Manager Isabela Electric Cooperative ( ISELCO) 2 sinabi niya na bagamat susupendido na ang lahat ng pasok at serbisyo ng nasabing kooperatiba ay mananatili naman ang kanilang skelletal work force.

Mahigpit na rin nilang ipinapatupad ang work from home sa kanilang mga kawani.

Aniya ang suspension ng pasok ay nakasalalay sa mga supervisor, branch manager at deparment manager subalit kailangan na on call ang mga mangagawa.

Mananatili naman sa kanilang pasok ang mga manggagawa na pumasasok ng 24/7 subalit magkakaroon ng shifting sa pagpasok upang maiwasan ang exposure nila sa COVID 19.

maliban dito ay pinalawig na rin ng ISELCO 2 ang pagbabayad ng kanilang electric bill ng kanilang mga member consumer.